Repleksyon
Ang
mensahe ng butil ng kape ay kwento tungkol sa kung paano ang pagharap
sa mga pagsubok sa buhay ng isang tao.
Mayroon
taung iba’t- ibang paraan kung paano hinaharap ang mga pagsubok, ito ay
maaaring katulad ng sa carrots na nung una ay matigas o matibay at parang di
matitinag ngunit noong dumaan sa kumukulong tubig o pagsubok ay lumambot na
nagpapakita ng kahinaan o maaring pagsuko. Minsan siguro may punto sa ating buhay na tayo ay parang nagiging carrots
o nanghihina pero ang magandang katangian sa atin marunong tayong tumayo at di
nanatiling carrots na mahina.
Sa
ilustrasyon naman ng itlog ay tumutukoy sa ating damdamin, maputi, busilak, at
nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig o
ng pagsubok. Minsan sa buhay ng tao ang pagsubok ang nagpapabago ng damdamin o
emosyon nagiging matapang sa pagharap ng isang sitwasyon na nakakalimutan ang
halaga ng kung ano ang importante sa buhay na ito, ang pag ibig. Minsan
negatibo ang nagiging paghubog sa ating damdamin ng mga pagsubok nagiging
matigas ang ating mga puso at makitid ang ating isipan at walang lugar ang
kapatawaran. Nawa ay hindi ito ang mamayani sa atin, sa pagharap natin sa mga
pagsubok.
Pinaka-maganda
ang aral ng butil ng kape, ang kape ay may katangian na matigas, mabango at
masarap. At pag humalo na ito sa kumukulong tubig o pagsubok, ang kape ang
nakakaimpluwensya sa kumukulong tubig kaya nagiging masarap at mahalimuyak ang
bango nito. Ang pagsubok na sumira sa carrot at sa itlog ay ang pagsubok din nagpasarap sa butil
ng kape, na nagbigay ng higit na saysay sa buhay ng kape upang maging
kapakipakinabang. Dito masasalamin na ang pagsubok ang humubog sa kape upang
maging isang masarap na inumin o maging produktibo sa buhay. Di nagpatinag ang
butil ng kape sa mga pagsubok, dapat ganun din tayo sa mga pagsubok na dumarating
sa atin, bagkus sasabayan natin ito at
haharapin ng naaayon sa mas makabubuti at sa huli mas naging matagumpay tayo
gaya ng kape. Sa buhay natin dapat maging isang butil tayo ng kape na kayang
maging matatag sa oras ng pagsubok at higit sa lahat kaya mo mismong baguhin
ang mga pagsubok at pangyayari sa paligid natin. Mahalaga ang positibong
pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari. Ito ang aral na makukuha sa
mensahe ng butil ng kape…