Thursday, November 10, 2016


Mensahe ng Butil  ng Kape

( Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo )


Buod
          Ito ay kwento nang isang magsasaka at nang anak nito na naghahanapbuhay sa bukid. Ang anak ay nagmamaktol o nagrereklamo sa hirap na kanyang dinaranas sa pagbubungkal ng lupa at sa pagsasaka, pakiramdam niya hindi makatarungan ang buhay dahil nahihirapan siya.
          May ilustrasyon ang ama sa kanyang anak ito ay ang tatlong palayok ng tubig na isinalang sa  apoy. Ang karot, ang itlog, at ang kape ay may kanya kanyang inererepresenta. Makalipas ang ilang sandali inalis ng ama sa apoy ang mga palayok at doon ipinadama sa anak ang karot, itlog, at ipinainum ang kape. Makalipas iyon ipinaliwanag ng ama kung ano ang ibat ibang reaksyon ng bawat sangkap sa kumukulong tubig. Nang mabatid ng anak kung ano anu ang mga iyon naging maliwanag sa kanya kung ano ang punto ng ama sa kanyang ilustrasyon.



No comments:

Post a Comment